Filipino Short Story: Iisang Bituin 

couple-stargazing.jpg

“Ayoko na, magbreak na tayo. Pagod na ako.” Bungad saakin ni Tyron. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maramdaman ko ngayon. Sa isang idlap, yung bagay na pinakapinapakahalagahan ko…wala na.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hahabulin ko ba siya o iiyak ba ako o hahayaan ko siya? Ang tanging alam ko lang ngayon ay nasasaktan ako kasi hindi ko alam kung anong nagawa ko’t nasabi niya yun. May nagawa ba kong hindi niya nagustuhan? Ano pa bang kailangan kong gawin?

Unti-unting bumagal ang ikot ng mundo ko nung lumakad na palayo si Tyron.

“Sabi ko naman sayo, maghintay ka muna.” Bungad ng isang pamilyar na boses-si Luke. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko nang maramdaman kong papalapit siya sa kinatatayuan ko.

“Huh? Ano bang sinasabi mo?” Ngiti ko. Humarap ako sakanya para makita niya na nakangiti ako. Hindi niya ko pwedeng makitang malungkot.

“Bata ka pa, Alistair. Marami pang lalaking mas bagay sayo-matuto ka lang maghintay.” Ngiti niya. Tropa siya ng kuya ko which means mas matanda siya saakin ng dalawang taon. Medyo awkward yung situation kasi syempre, tropa siya ni kuya. Kung anong makikita niya, sasabihin niya.

“Hindi naman ako naghahanap ng lalaking bagay saakin. Naghahanap ako ng lalaking magmamahal saakin.” Medyo mataray kong sabi kahit na sa totoo lang, gusto ko nang tumakbo at umiyak sa isang tabi.

“Kaya hindi dumadating kasi hinahanap mo. Paano kung hindi pa ‘to yung tamang panahon? Eka nga nila, mahirap hanapin ang ayaw magpahanap. Hindi hinahanap ang pag-ibig, kusang darating yan.”

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

“Alistair! Alistair! Gumising ka na nga diyan. Ma-lelate na naman tayo niyan eh.” Gising saakin ni Tiffany, kapatid ko. Hanggang ngayon napapaginipan ko pa rin yung sinabi saakin ni Luke noon.

Ilang taon na ang nakalipas magmula nung nangyari yung first heart break ko. Chos! Ito na ang huling taon ko sa kolehiyo which means, ilang buwan nalang, malaya na akong gawin lahat ng gusto ko. Ngayon kasi naghihigpit kami ng pera kasi syempre, kailangan para sa mga bayarin. Hay, grabe. Siguro kung hindi sinabi ni Luke saakin yun nuon, kinain na ako ng anxiety.

Nag-ayos na ako upang makapasok na. Pagkapasok ko sa kotse, naalala ko nanaman yung panaginip ko kanina. Actually hindi lang kanina, lagi kong napapaginipan yun. Anyways, ang sarap pala balikan nung mga panahon na sobrang drama ko pa. Halos nakapagsulat nga ako ng ilang tula’t nobela. Kung hindi naman siguro halata, isa sa mga pangarap ko ang maging tanyag na author. Madami akong pangarap. Sa sobrang dami, minsan tinatawanan nalang ako. Pero okay lang, lahat naman nagsisimula sa ganto.

Writing, Literature and Publishing ang kinuha ko. Homeschool lang ako kasi sa Emerson College ako nag-enroll. Boarding school yun kaso ayaw nila parents na pumunta ako sa Boston para lang dun. Isa pa, mahirap ldr. Chos! Hahaha.

Hayy. Kung hindi siguro dahil kay Tyron, hindi ako magiging ganto ngayon. Pinalakas at pinatatag niya ako ng sobra. Kung hindi dahil sakanya, hindi ko madidiskubre ang hilig ko sa pagsusulat at pagbabasa. At syempre, kung hindi dahil sakanya hindi ko mamahalin si Luke.

Oo, tama ang nabasa niyo. Mahal ko si Luke Ragonare-pero hindi kami. Meron siyang girlfriend. Of course, mas matanda saakin ng dalawang taon. Wala naman akong problema dun kasi marunong naman ako tumanggap ng totoo. Si Liana lang kasi ang may problema. Close ang kuya ko at si Luke, sabit niyo na ko. Syempre laging pumupunta si Luke sa bahay dahil may practice sila para sa banda. Eto namang si Liana, akala ako ang pinupuntahan ng boyfriend niya. Kaya ayun, isang araw nilapitan ako ni Liana at sinabing huwag na daw akong makikipag-usap kay Luke.

Ako namang tanga, sumunod. Nagsisisi na ako, oo na. Wala naman kasi kaming ginagawang masama kaya hindi ko dapat nilayuan si Luke. Pero mahirap din kasi eh. Kung kaya nang lumayo sa gulo, lumayo na.

Ngayon kapag nagkikita kami, parang wala lang. Hindi na nga kami makatingin sa isa’t-isa. Nagpupunta pa rin naman ang banda nila sa bahay namin pero hindi na katulad ng dati na ako ang naghahanda ng meryenda nila.

“Alistair, mauna na ako.” Paalam saakin ni Tiffany. Ngumiti nalang ako bilang sagot. Hays, kahit kelan talaga hindi marunong mag-ate ‘to. Makapunta na nga sa locker-Kung hindi ka nga naman minamalas… papunta si Luke sa guard house. Anong ginagawa niya dito? Dapat nasa trabaho na siya. Ano bayan, eto nanaman yung awkwardness. Lumakad lang ako parang dati, kunwari walang nakita. Ganun pa di-

“Pssst. Huy.” Sabi niya. Nung una wala akong reaction pero nang tumingin ako sakanya at napansin kong nakatingin siya saakin, tumingin ako sa likuran at gilid ko. Ano ba, baka hindi naman ako yung kinakausap.

“Huy, Ali.” Okay. Ako nga. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ang labo ko talaga. Kapag gusto ko siyang makita, hahanapin ko. Pero kapag naman asa harap ko na, ipagtatabuyan ko. Ano ba talaga, Ali?

“Huy. Pwede ba tumigil ka sa paglalakad?” Edi iyan, Tumigil ako. Madali naman akong kausap. Syempre, tumigil lang ako pero hindi ako humarap sakanya. And drama, chos!

“Bakit ba hindi ka na namamansin? Nakakasakit ka na ah.”

“Ah, ganun ba? Sige.” Sabi ko at magpapatuloy na sana lumakad nang bigla nanaman siyang magsalita.

“Seryoso, Ali. Bakit ba?” Ngiti nito. Pasalamat ka gwapo ka. Este, ang pangit mo pala.

“Tanong mo kay Liana.” Ngiti ko sakanya pabalik at tuluyan nang umalis. Duh, kung hindi pa ako umalis baka ma-late ako sa klase. Late ako gumigising pero never akong nalate sa attendance. Given the fact na close kami nung secretary.

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Nakakastress talaga ang buhay mag-aaral. Unang araw palang ng linggo ang dami nang bagong project. Aba’y gusto ata kaming maging zombie. Umuwi na ako diretso bahay, hindi muna ako um-attend ng club ngayong hapon. Tinatamad ako tsaka ang dami-daming project. Sabihin ko nalang kay Sir na masama pakiramdam ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko pagka-uwi ko. Hays, andito nanaman yung mga ugok. Nagbihis na ako at bumaba para kumain. I did the usual things and so on. Nang matapos ako, dumiretso ako sa kwarto ko. Maglalaptop ba muna ako, matutulog o gagawin na yung projects? Alin sa tatlo?

*Knock* *Knock*

“Pasok.”

*Knock* *Knock*

Lokohan lang teh? Binuksan ko ang pinto ko.

“Oh, ano nanamang kailanga-” Expected ko si kuya yung kumakatok. Si Luke pala.

“Pwede ka bang maka-usap?” Ngiti nito.

“Hindi pa ba tayo nag-uusap?”

“I mean, basta. Sa garden tayo.” Hindi na niya ako hinintay na maka-oo. Hinila na niya ko pababa ng stairs. Kapag talaga ako namatay ng wala sa oras, mumultuhin ko ‘tong ugok na ‘to. Nang makarating kami sa garden, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Buti nalang at madami akong projects, may excuse akong pumunta kaagad sa kwarto ko.

“Oh, ano na sasabihin mo? Siguraduhin mo lang na may kabuluhan yan ha? Madami pa kong project na gagawin.” Sabi ko sakanya. Umupo’t nangalumbaba naman ako sa table para magsilbing sign na hindi ako intresado sa kung anong sasabihin niya.

“Kamusta na?”

“Koya, hindi tayo nag-uusap sa facebook. Diretsohin mo na. Anong kailang-”

“MAY GUSTO AKO SAYO!” Ah, yun la-ANO DAW!? Nagulat ako pero kaagad kong binawi yung pagkagulat ko at umaktong walang narinig. Chill lang, heart. Why are you beating so fast? ‘Di porket narinig mo na yung gusto mong marinig ganyan ka na. Cooperate with me.

“Paano kung sabihin ko sayong wala akong gusto sayo?” Chill kong sagot. Feel na feel ko na nag-iinit na yung mukha ko. Sobra. Buti nalang at mainit ngayon.

“May pag-asa ba?” Meron. Hoho. Pero magiging pakipot muna ko. Minsan lang ‘to eh. Ang pabebe ko talaga, hays.

“Katulad nga ng sabi mo… Matutong maghintay.” Ngiti ko sakanya at paakyat na sana.

“Oo nga pala. Pasensya na sa nagawa ni Liana sayo. Hindi ko talaga alam na sinabi niya yun sayo. Kung alam ko lang edi san-”

“Okay lang. No worries. ’twas my pleasure.” Umalis na kaagad ako sa garden. Ghad, kahit naman may gusto ako sakanya doesn’t mean ganun nalang. Tsaka, oo kinilig ako kanina pero more than that? ‘Di pa ko ready. Ayoko na ng corny. Nakakadurdur huhu.

Pagka-akyat ko sa kwarto, nagtatalon ako at mahinang sumigaw. This is it, Alistair! Yes. Yes. Yes. Happy dance. Happy dance. Happ-Teka, may nakalimutan akong sabihin.

Dahil hindi ako yung tipong marunong makipaghalubilo sa ibang tao, sinulat ko nalang sa papel yung gusto kong sabihin. Okay lang yan, mababasa naman niya eh. Parang ganun na rin yun. Ilalagay ko nalang sa bag niya para makita niya. Dami kong alam noh? Hoho. Ganyan kasi kapag maganda.

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Madami akong pangarap at sigurado akong ikaw rin. Tuparin muna na’tin yun tsaka ituloy kung ano man ang ka-cornihan na binabalak mong gawin.

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Tapos na ang graduation which means, tapos na. Tapos na yung mga araw na gigising ako ng sobrang aga para mag-review para sa exam at kung ano-ano pa. Masaya pero nakakalungkot din. Andaming memories ang nabuo at syempre, life must go on. Iba-iba kami ng pangarap ng mga kaibigan ko which means we need to be apart para matupad yun. Medyo mahirap pero okay lang. Haha!

Speaking of, pupunta ako ngayon sa America dahil may naghire saakin bilang Commissioning Editor sa isang publishing company. Medyo mataas yung posisyon kasi of course, connections. Mahirap ang trabaho ng isang Commissioning Editor pero kakayanin. Gusto ko yung trabahong yun kaya worth it. Kesa naman ako yung magpatakbo ng kumpanya namin. No thanks, that belongs to my brother.

“Congratulations, Ali!” Bati saakin ni Luke. Si Luke ang naghahandle ng kumpanya nila kaya medyo easy life siya.

“Thanks, stranger.”

“Sobra naman. Maka-stranger ka parang-bahala na nga! Tara na. Hinihintay ka na sa bahay niyo.” Pumasok na kami sa kotse niya papuntang bahay. Habang nagdadrive siya, naisipan kong sabihin sakanya ang magiging trabaho ko sa America. Sandali lang naman yun. Kumbaga parang job experience lang for 3 years and then babalik ako dito saka magtatayo ng sarili kong pub house.

“Luke?” Ngiti kong sabi. Sa totoo lang, kinakabahan ako ngayon.

“Hmm?”

“Nabanggit na ba sayo nila Dad yung tungkol sa trabaho ko sa America?” Pagkasabi ko niyan, ramdam ko ang biglang pagbabago niya ng mood. Nawala na yung ngiti niya at parang naging seryoso na siya.

“O-oh? Hindi ako na-inform. Kelan?”

“Next week, Thursday. Sama ka sa airport ha?” Hininto niya yung kotse sa isang tabi atsaka kinausap ako.

“Bakit hindi mo saakin sinabi kaagad?” Seryoso niyang tanong. Uh-oh. Eto na nga.

“Ngayon ko lang rin naman nalaman. Atsaka stop being serious, can you? Ang gandang opportunity nun. It’s only for three years.” Cheerful kong sabi sakanya. I’m trying to make the deal smaller para wala nang drama.

“Three years? Madaming pwedeng mangyari sa three years, Ali. Dito ka nalang.”

“But-”

“Please?”

“Lu-luke, please? Ngayon lang. Three years. Pwede ka namang dumalaw-dalaw saakin every year o kaya whenever you can.”

“Ali, that’s not that easy. Mahigpit ang schedule ng company namin ngayon. Lalo’t may bagong ila-launch na project sila papa.” Malungkot nitong sabi. Ano bang dapat gawin ko? I’m not good at this.

“Three years is all I ask. Mahirap bang ibigay yun?” Tanong ko while smiling. Please, sana maintindihan mo ako. Hindi na siya nagsalita pa at pinagpatuloy ang pagda-drive niya. Alam naman niya kung gaano ka-importante yung pangarap ko eh. Sana maintindihan niya dahil itutuloy ko pa din.

Nag-celebrate kami para sa graduation ng hindi kami masyadong nag-uusap. Eto yung kinakatakutan ko eh. Hindi ko muna pala dapat sinabi sakanya. Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng flight ko. Hindi nakapunta si Luke dahil may mahalang meeting daw. Masama man ang loob ko, pinilit ko nalang siyang intindihin.

“Kapag tayo, tayo talaga. See you soon, Luke.” Text ko sakanya bago pumasok ng airport. This is it.

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

*Ting*

*Ting*

*Ting*

*Ting*

Ano ba yan! ‘Tong messenger na ‘to, idi-delete ko ‘to eh. Nakakabwisit. Kahapon pa ako walang tulog dahil sa kakabasa ng mga new books na pinapasa. Err!

Kinuha ko yung iphone ko at dun, binuksan ko yung sinend ni Ayla na pictu-

Si Li-Liana at si Lu-luke? Bakit sila magkasama sa bar? Sila ba? Tumayo ako ng kama at in-on yung ilaw. Bumalik ako sa kama at sumandal sa head board. Isang buwan din kaming hindi nakapag-skype ni Luke. Alam naman niya na busy ako eh. Pero… ‘di pa din yun sapat na rason. Bakit sila magkasama?

Limang buwan nalang matatapos na yung kontrata ko dito. Ilang buwan nalang oh.

—————-MESSENGER———————

Ako: Ayla, sila ba?

Ayla: Oo daw eh. Hindi na kami masyadong

nagkakausap ng banda kasi busy na sa mga

trabaho. Pero ewan, sinend sakin ni Nico

eh. Send ko daw sayo.

Ako: Ah, ganun ba. Sige. Pakisabi nalang kay

Luke na mag-skype kami mamaya o bukas.

Ayla: Sige, sige. Ingat ka jan! Miss ka na

namin dito.

—————-MESSENGER———————

Hinintay ko si Luke na tawagan ako pero wala eh. Araw-araw akong nag-intay sa loob ng tatlong buwan pero walang Luke na tumawag saakin. Ganun na lang yun?

Hindi ako masyadong nakapag-online dahil na rin sa dami ng trabahong kailangan kong tapusin. Given the fact na malapit na rin matapos ang kontrata ko. Hay… Hindi na siguro mag-oonline yun.

*Phone ringing*

“Hey.”

“You ready, Lisa?”

“Yeah. I’ll be down in five.” Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na. Papunta kami ng mga katrabaho ko sa park. Mag-cecelebrate lang ng konti para sa approved proposal at syempre, dahil malapit na rin matapos yung term ko. Sulitin na.

Nang makarating kami sa park, iniwanan ko muna sila sa pwesto namin para bumili ng milk tea. Sobrang nagke-crave ako ngayon. Ang ganda ng mga bituin ngayon. Specially yung malaki sa may bandang gitna.

“I’m sorry.” Sabi ko sa nabangga ko. Ang tangkad niya, nakakahiya. Nalaglag yung dala-dala niyang kung ano kaya tinulungan ko siya. Ako din naman yung may kasalanan eh.

“Here you go, sir. I’m very sorry.” Pagkatingin ko sa lalaki, nabagsak ko ulit yung gamit niya.

“Lu-Luke?” Gulat kong sabi. Grabe, ang mature na ng itsura niya. He’s a man now. He’s features made him look like one. Mas tumangkad din siya.

“Hey. How’s life?” Tanong niya. Nang magising ako sa katotohanan, kinuha ko ulit yung mga gamit na nahulog ko.

“Leave it. I can do it.” Tulong niya. He’s voice even changed.

“So, how are you? I mean, how’s life with Liana?” Ngiti kong tanong. Akala ko ‘pag nagkita kami matutuwa ako. Turns out, para akong majejebs sa kaba.

“I’m fine. We’re fine.” Ngiti niya. Okay, dapat pala hindi ko na tinanong.

“Oh. So it’s true.”

“What’s true?”

“You and Liana? Together?”

“Oh, no, no. Let me correct that. Me and you.” Okay. Anong dapat kong sabihin? Tinignan ko lang siya dahil to be honest, I’ve got nothing in mind.

“Joke. Ano ka ba! Nagtrabaho ka lang dito ini-english mo na ko.” Sabi niya at hinug ako. Okay, what’s with this guy? Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ang slow magprocess ng utak ko.

“Ano daw?”

“Ang tagal kitang hinanap dito, kelan ko lang nalaman na iba pala ang tawag nila sayo dito.” Batok niya sakin. Oncea Luke, always a Luke.

“Hinanap mo ko?”

“Yea. Lisa Ali, eh? Bakit mo iniba? You’re into modeling din pala. Kung hindi ko nakita sa billboard, hindi ko malalaman.” Kaya pala hindi ka na nag-oonline.

“Alam mo, sumama ka muna saamin. Mukha tayong ewan dito, nasa gitna ng daan.”

“Alam mo, namiss kita.” Sabi niya.

“Ah.. Na-namiss din kita.” Ngiti kong sabi sakanya. Ano ba yan, para kaming bumabalik sa pagka-teenager.

“Meron na bang bago?”

“Anong bago?”

“Pwede pa ba? Hindi pa ba huli?” Ngiti niyang tanong.

“Uh. Haha… hindi naman. Ano nga palang ginagawa mo dito?”

“Wala. Pinapanuod yung mga bituin. Specially yung pinakamalaki sa may gitna. Ang ganda eh. Gives me hope na makikita din kita.” Sabi niya na siya namang naging dahilan ng pagtingin naming dalawa sa mga bituin. Hindi ko alam kung anong meron pero feel ko umiyak.

“Bakit ka umiiyak? Ang ganda ng mga bituin-hindi sila dapat iniiyakan.” Sabi niya atsaka pinunasan yung luha ko. Wala akong pake kahit madaming tao. It’s now or never. Humarap ako sakanya at pinagmasdan siya. Nandito nga siya talaga sa harap ko.

“Nakapaghintay ka.” Sabi ko sakanya at ngumiti.

“Kasi mahal kita.” Alam kong medyo nagiging corny na pero for love’s sake, matagal kong hinintay ‘to.

“Oh, tigil na. Punta na tayo sa mga kaibigan mo.”

“Paano mo alam na may kasama ako?”

“Kasi andun lang sila oh!”

“Hahahahaha, tara na nga!”

Hays. Mahal na mahal ko ‘tong lalaking ‘to. Hinding-hindi ko na siya paghihintayin pa. Napakatagal na niyang nag-iintay, he deserves to be happy. Hindi ko sasabihing ‘happily ever after’ na pero ang mahalaga, magkasama kami. Kahit madami pang problema, alam kong kakayanin naming.

Hanggang dito nalang ang pwede kong i-kwento. Paano na yan?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s