ABOOKWITHBEA EXCLUSIVE: Dahan by Raice Belaro (@areyaysii) [IN FILIPINO]

ABOUT THE AUTHOR:

20150920_125337

RAICE (R-A-I-C-E : /ar-ey-ay-si-i/)

raice03 of Teentalk/Creative Corner.

I’m a Wattpad Filipino Ambassador under the Social Media & Outreach Team. Please feel free to send me a message if you have any concerns regarding Wattpad. Thanks!

Untitled

You may reach me through:
FB: http://www.fb.com/akosiraice03
Twitter: http://twitter.com/areysieyts
Email: raice03stories@yahoo.com
Website: http://www.rachellebelaro.wordpress.com

——————–

MOVING IN TRILOGY
Moving Into My Ex’s House (Published under Pop Fiction)
Moving In To The Monster’s House (Editing)
Moving In To My Brother’s House (Ongoing)

CONFESSIONS DUOLOGY
Confessions of My Broken Heart
Photographs

STAND ALONE
Speak Now
The 12th Proposal
Maling Pag-ibig
Updated Version of Me

SHORT STORY:

Dahan-dahan kong binaybay ang daan patungo sa isang lugar na matagal ko ng hinahangad na mapuntahan. Hindi ko alam kung paano o bakit pero isang araw, naisip ko na lang na gusto kong manatili doon habang nabubuhay ako.

xxx

Simula nung nag-sixteen ako, naiwan na akong mag-isa sa bahay namin. Walang kaibigan. Walang kamag-anak. Walang kahit na sino para makausap o makasama ko. Siguro kasalanan ko rin naman ‘yon. Itinulak ko silang lahat palayo sa akin. Natakot lang kasi ako na may mawawala na naman ng dahil lang sa akin.

 

Normal naman ang takbo ng buhay ko. Kung tutuusin, mas maswerte pa ako kaysa sa ibang mga ka-edaran ko. Pero simula nung may nawala sa buhay ko, parang pati yung sarili kong buhay, gusto ko ng mawala.

 

Emo. Walang kwenta ang buhay. Puro pagdadrama lang ang alam. Laslas lang nang laslas. ‘Yan yung mga bagay na naaassociate sa akin. Hindi naman nila ako masisisi kaya nagkaganun ako e. Masyado lang mabigat yung sakit na nararamdaman ko at sa paglalaslas ko lang nailalabas ang lahat ng stress na nararamdaman ko.

 

Kung tutuusin, hindi ko naman ginustong maging ganito. Ang gusto ko lang ay mamuhay ng normal. Ang gusto ko lang ay mamuhay ng masaya. Pero sadyang hindi pala natin makukuha ang lahat. Nawala sila isa isa kaya ako ngayon yung nagdurusa.

xxx

Bawat hakbang na ginagawa ko, pagaan ng pagaan yung pakiramdam ko. Lumalakas ang ihip ng hangin at tila hinehele na ako nito para magpadala na ako sa pag-ihip niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako nang malalim.

“Ito na talaga ‘to. Wala ng atrasan pa. Nandito na ako at wala ng makapipigil pa sa akin.” Sabi ko sabay sa paghakbang ng aking mga paa. Kaunti na lang at darating na ako sa destinasyon ko. Kaunti na lang at biglang may humatak sa akin palayo kaya hindi ako nalaglag mula sa tuktok ng building na kinatatayuan ko.

“Sira ulo ka ba? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?” Tanong sa akin nung lalaking humatak sa akin.

“Magpapakamatay. Hindi pa ba obvious?” Sagot ko habang pilit na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak niya sa akin.

“Tss. Sira ulo ka nga. Feeling mo naman kapag tumalon ka diyan matatapos na yung problema mo ha? Gamitin mo nga utak mo. Gago.” Sabi niya sabay bitaw sa braso ko. Napaupo na lang ako sa lapag habang pinagmamasdan ko ang paunti-unti niyang paglayo mula sa kinalulugaran ko.

“Wala kang alam kaya wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan.” Bigla na lang pumatak ang pinipigil kong luha mula sa aking mga mata at sa tingin ko, mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para magpakamatay.

Hindi ako umalis sa tuktok ng building na kinalulugaran ko. Umupo lang ako sa gitna at tinititigan ko ang pintuan kung saan lumabas yung lalaking pumigil sa pagtalon ko. Ngayon ko lang siya nakita at hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinigilan kanina. Simula nung naging emo ako, wala naman ng nag-aaksaya ng panahon sa akin e.

Dahan-dahan akong tumayo at itinapon ko sa lapag ang mga laman ng bag ko. Hinanap ko ang nag-iisang bagay na nakakaintindi sa sitwasyon ko. Dahan-dahan kong hinimas ang mga dulo nito. Sa bawat haplos ko sa napakakinis at napakanipis na bagay na iyon, para bang unti-unting nawawala ang mga problema ko.

“Nagkita tayong muli, kaibigan. Ilang araw din kitang hindi nakita. Ngayon, wala ng makapipigil pa sa ating dalawa.” Itanapat ko ang matalas na dulo ng blade sa kaliwang braso ko. Unti-unting bumabakat ang mga linya sa balat ko at habang tumatagal, padiin nang padiin ang paghiwa ko sa sarili kong balat.

Dahan-dahang tumulo ang dugo mula sa aking braso. Napangiti ako. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Napakalaking satisfaction ng paglalaslas ko at walang pumipigil sa akin para gawin ito. Pakiramdam ko, wala akong problema. Pakiramdam ko, hindi ako nag-iisa.

“Sige, tumulo ka pa. Hindi ako titigil hangga’t hindi ka dumarami.” Nang sa tingin ko ay sapat na ang dugong dumaloy mula sa braso ko, kinuha ko na yung benda mula sa mga gamit ko at dahan-dahang kong binalot at tinakpan yung mga bakas ng ginawa ko.

Humiga ako sa sahig at ipinikit ang mga mata ko. HInayaan kong ihele ako ng hangin at bantayan ako ng mga bituin sa langit. Ngayong gabi, nakalimutan ko ulit ang problema ko. Ngayong gabi, gumaan ang pakiramdam ko. Ngayong gabi, napagtakpan ng mga sugat ko ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

xxx

Nagising ako kinabukasan ng may ngiti sa aking mga labi. Handa na akong harapin muli ang mundo. Umuwi agad ako sa tinutuluyan ko at naghanda para sa pagpasok ko.

Binuksan ko ang gripo ng bath tub at hinayaang dumaloy ang tubig dito hanggang sa mapuno ito. Isa-isa kong tinanggal ang mga saplot ng katawan ko at hinayaan kong lumubog ang katawan ko sa malamig na tubig na nagpapangatog sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at doon ko naramdaman ang sakit na iniwan ng mga sugat sa kaliwang braso ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko ginawa. Dapat ay sanay na ako sa ganitong sakit. Dapat ay mamanhid na ako sa ganito. Pero hindi ko pa rin magawa. Siguro nga ay kahit na anong gawin ko, may ititibok pa rin ang puso ko.

Makalipas ang ilang minuto, umahon na ako mula sa tubig na lumunod sa pagpapanggap ko. Tinakpan ko ng twalya ang sarili ko at nagpalit na ako ng damit. Sabay nito ay ang muli kong pagsusuot ng maskara na nagpapaniwala sa mga tao sa paligid ko na malakas ako at kahit kailan ay hindi ko kailangan ng ibang tao para sumaya ako.

“Kailangan ko ng harapin ang lahat. Ako si Charlie at walang makapipigil sa pagpunta ko sa destinasyon ko sa panahong ito.”

xxx

Pumasok ako sa school katulad ng isang normal na estudyante. Hindi man normal ang itsura at pananamit ko, normal pa rin naman yung ginagawa ko. Katulad ng paglaslas, pagnanais na makatalon mula sa tuktok ng isang building, magpakalunod sa bath tub at kung anu ano pa. Normal. Normal para sa isang emo na katulad ko.

Dahan dahan akong naglakad paakyat ng building. Hindi ko tinitignan yung mga taong dumadaan sa paligid ko. Hindi ko pinapansin kung may nababangga man ako o wala. Basta ang gusto ko lang ay ang makarating sa destinasyon ko. Sana, sa pagkakataong ito, wala ng sagabal. Sana, sa pagkakataong ito, magtagumpay na ako.

Ipinihit ko ang doorknob at sa bawat pagpihit na ginagawa ko, tila may iba akong nararamdaman. Tumutulo ang pawis mula sa aking noo. Alam kong hindi ito dahil sa takot o sa kaba. Sanay na ako sa ganitong bagay pero ngayon lang ako nagkaganito. Marahil ay may kakaiba na namang mangyayari ngayon.

Umaasa ako na ito na ang panahon.

Itinulak ko ang pintuan at itinapak ko ang aking mga paa sa sahig ng rooftop na kilalang-kilala ko na simula pa pagkabata. Pinagmasdan ko ang paglipad ng mga ibon sa himpapawid. Tumingala ako sa langit at nasilaw ako sa araw na tila nagyayabang sa init at liwanag na hatid nito. Hindi na normal ang pagngiti sa akin pero sa panahong ito, napangiti ako dahil sa tingin ko, umaakma ang panahon sa mga plano ko.

Hinubad ko ang sapatos na suot ko at hinayaan kong madama ng aking mga paa ang naghahalong init at lamig na hatid ng sementong kinatatayuan ko. Umiihip ang hangin at tila gusto na naman nito na magpadala ako sa pag-ihip niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan kong magpadala ang aking kaatawan sa bawat bugso ng hangin na dumarampi sa bawat sulok ng aking katawan.

“Ito na talaga ito.” Sabi ko sa sarili ko.

Naglakad ako patungo sa dulo ng rooftop at hinayaan kong madama ko ang pagiging normal sa kahuli-hulihang pagkakataon. Tinignan ko ang maaari kong bagsakan at ang mga taong nagdaraan doon. Sana ay tumatak ako sa isipan nila kahit sa panahong ito lang. Sana maalala nila ako bilang si Charlie, ang babaeng tumayo mag-isa at binawi rin ang buhay niya.

Huminga ako ng malalim at ipinikit kong muli ang aking mga mata. Itinaas ko ang aking mga braso at para bang kahit na anong oras ay makalilipad na ako patungo sa pangarap kong puntahan. Ito na talaga ‘to at wala ng makapipigil sa akin.

O kaya sadyang epal lang ang pagkakataon.

“Magpapakamatay ka na naman? Ano ba naman ‘yan? Di ka ba nagsasawa diyan? Emo ka na nga pero ang trip mo puro pagtalon mula sa tuktok ng building. Get a life, you stupid!” Biglang hirit ng lalaking pumigil sa pagtalon ko dati. Napatingin ako sa kanya at nanlisik ang aking mga mata.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ng mahigpit ang kwelyo ng damit niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya at tinitigan ko ang kanyang mga mata.

“Ano bang problema mo ha?”

“Ikaw, ano bang problema mo? Maghahanap ka na nga lang ng lugar kung saan ka tatalon, sa school pa. At ang mas nakakairita don, bakit hanggang fourth floor lang? Tanga ka lang ba o ano?” Napabitaw ako sa kwelyo ng damit niya at naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Tama siya at mali ako. Pero wala naman na akong ibang mapupuntahan. Wala na akong maisip na lugar kung saan ko maisasakatapuran ang mga planong hinahangad ko.

Wala na ba talagang pag-asa yung plano ko?

“Ano? Wala ka ng masabi? Tama ako di ba? Tatanga tanga naman kasi e.” Sabi niya sabay irap. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at dahan dahan akong napaupo sa sahig.

“Hindi mo naman kasi naiintindihan e. Hindi niyo naiintindihan yung sitwasyon ko. Wala naman akong balak umagaw ng atensyon ng mga tao. Ang gusto ko lang, marating yung destinasyon ko. Ang gusto ko lang–”

“Ang mamatay? Tanga ka talaga kung ‘yan ang gusto mong mangyari. Marami pa namang pwedeng mangyari sa buhay mo e. Bakit kailangan mo pang gawin ang lahat ng ‘yan?” Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Tumingala ako at pinagmasdan ang mga pangyayari sa paligid ko. Lahat ng bagay normal. Lahat ng tao normal. Ako lang ang hindi. Ang sitwasyon ko lang ang hindi.

Hindi dapat ako nakikipag-usap sa kanya. Hindi dapat ako umuupo sa tabi niya. Hindi dapat ako nagpapapigil sa kanya. Sino ba siya para pigilan ako? Ni hindi ko nga siya kilala e.

“Wala kang alam kaya wala kang karapatan para sabihin na tanga ako.” Tatayo na sana ako nung bigla niyang hawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon kaya napatingin ako sa kanya. Inakala kong magiging maayos lang ang lahat kapag ginawa ko iyon pero nagkamali ako.

Ngayon ko lang nakita ang kanyang mukha ng malapitan at iba ang naramdaman ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganun at hindi ko na maaari pang maramdaman yun. Ayaw ko ng may madamay dahil sa akin.

Umiwas muli ako ng tingin sa kanya at pinilit kong tumayo kahit na hindi niya binibitawan ang kamay ko. Bagsak man ako ng bagsak sa lapag, pinipilit ko pa ring makawala mula sa kanya. Napailing ako sa mga bagay na naiisip ko. Hindi maaari. Hindi siya ang makakapagpabago ng mga plano ko.

“Isa. Bitawan mo ako.”

“Pag hindi ba kita binitawan anong gagawin mo?” Tanong niya sa akin.

“Wag mo akong subukan.” Hamon ko naman sa kanya.

“Paano kung gusto na kitang samahan sa destinasyon mo?”

“H-ha?” Naguluhan ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya ng wala sa oras. Mali pala ang ginawa kong iyon. Nakita ko siya na nakatitig sa akin at nakangiti ng pagkalaki-laki. Sa mga ganitong sitwasyon, dapat nagwawala na ako sa galit. Dapat pinagpapapalo ko na ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Pero hindi ko magawa.

Naaalala ko siya sa kanya.

“Bitawan mo ako.” Naiba yung tono ng pananalita ko kaya binitawan niya ako bigla. Pinigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha at tumakbo palabas ng rooftop. Sa ganitong panahon, ang gusto ko na lang mangyari ay ang mapag-isa.

Nagpunta ako sa isang kwarto na alam kong walang kahit na sinong estudyante ang nagpupunta. Hindi ako madalas magpunta rito kaya hindi rin ako sigurado sa kung ano man ang matatagpuan ko. Sinubukan kong buksan ang ilaw, ngunit hindi na pala ito gumagana. Wala naman na akong ibang paraan kung hindi gamitin ang cellphone ko para lang may makita ako kahit na konting liwanag.

Dahan dahan ay inikot ko ang ang aking paningin sa loob ng kwarto. Maliit lamang ito at halos walang laman maliban sa isang gitara at isang piano. Punong puno ng salamin sa loob at kahit na ayaw ko mang makita ang sarili kong replkesyon, wala na akong magawa kung hindi titigan ito.

Hindi ko na makilala ang taong nasa harapan ko. Hindi siya ang Charlie noon. Hindi siya ang Charlie na masayahin at punong puno ng buhay.

Ano ba ang nangyari sa akin?

Pinilit kong alalahanin ang mapait na nakaraan ko. Inaamin ko. Wala naman talaga akong kinalaman kung bakit nangyari ang mga bagay bagay pero hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko kung bakit sila nawala.

Umupo ako sa tapat ng piano at nagsimulang tumugtog ng isang kanta na sa tingin ko ay akma sa sitwasyon ko.

Si Gino ang nag-iisang lalaki na hinayaan kong pumasok sa buhay ko ng walang kahirap hirap. Naging sentro siya ng mundo ko. Lahat ng mga importanteng pangyayari sa buhay ko, kasama ko siya. Mahal na mahal niya ako at hindi ko rin naman maitatanggi na mahal ko siya. Pero sadyang wala palang panghabambuhay.

Mas pinili niyang mawala ang buhay niya para lang mailigtas ako.

Dahil doon, isinumpa ako ng pamilya niya. Naging napakalaking dagok noon sa buhay ko. Hindi ko kinaya ang mga pinagsasasabi ng ibang tao kaya naisipan ko na tapusin na rin ang sarili kong buhay. Kaso dahil sa ginawa kong iyon, nawala ang buhay ng nanay ko.

Inatake siya sa puso ng malaman niyang isinugod ako sa ospital sa pagtatangkang magpakamatay. Noong panahon na ‘yon, hindi ako ang namatay. Hindi ako ang nakasama ni Gino sa kabilang buhay. Nawala pa pati si inay.

Nagalit ang tatay ko dahil dun. Gustung gusto niya akong saktan pero hindi niya magawa. Kasi sa tuwing tinitignan niya ako, naaalala niya ang nanay ko. Ayaw ko naman na silang pahirapan kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para matapos na yung paghihirap nilang lahat ng dahil sa akin.

Kaya ko sila itinulak papalayo. Ayaw ko ng may madamay pa. Siguro, tama na ang dalawang tao na nagsakripisyo para sa akin. Ayaw ko ng madagdagan pa iyon. Ayaw ko ng may mawala pa.

Mayamaya lang ay umiiyak na pala ako. Napatigil na rin ako sa pagtugtog ng piano. Siguro nga hindi na ako mapapatawad ng mga taong nawalan at nasaktan ng dahil sa akin. Siguro nga hindi na maghihilom pa yung sugat na nadulot ko sa mga puso nila. Kaya nga siguro gusto ko na rin talagang mawala.

“Punasan mo na ‘yang luha mo. Nandito naman na ako e.” Pagtingin ko kung kanino galing yung panyo sa harapan ko, sa kanya pala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s