WAF: ABOOKWITHBEA EXCLUSIVE: PLEASE BY NINA DE JESUS [FILIPINO SHORT STORY]

FINAL 1

 

“Eunice, bilisan mo! Marami ka pang gagawin!”

Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Auntie.

Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa kanya’t hindi sya kapatid ni mama ay baka nasigawan ko na rin sya pabalik.

“Eto na po! Sandali lang po!” sigaw ko pabalik upang marinig nya ako mula sa labas ng kwarto.

Inaayos ko na ang kumot at unan sa may kama’t inikot ang tingin ko sa unang kwartong nilinis ko ngayong araw. Three more rooms to go!

“Ang tagal naman, Eunice!” sigaw muli ni Auntie’t mabilis akong lumabas sa may kwarto’t itinabi muna ang walis at dust pan sa gilid bago tuluyang bumaba.

Wala ngang kakwenta-kwenta ang hagdan sa amin dahil anim na hakbang lang ito. Masabi lang na may second floor. Pwede ko nga ‘tong talunin eh.

“Auntie.. bakit po?” marahan kong tanong nang makalapit ako kay Auntie.

Hinarap ako ni Auntie’t bahagyang tumabi na sapat para makita ko ang kalat sa may sala.

Mukhang alam ko na ang ipapagawa nya sa akin.

“Linisin mo muna ito bago mo linisin yung ibang kwarto dahil papunta na ang mga kaklase ng pinsan mo.” utos sa akin ni Auntie. “Kailangan matapos mo ito bago mag-ala una. Dito sila tutuloy hanggang bukas kaya pagkatapos mong linisin ang mga kwarto, magluto ka ng meryenda nila’t pati na rin ang hapunan. Maliwanag ba?”

“Auntie.. kasi ano eh.. may klase po ako bukas ng tanghali’t finals ko po bukas. Kailangan ko pong mag-aral.” sabi ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Auntie sa pagsagot ko sa kanya. “Sinusuway mo ba ako, Eunice?” tanong sa akin ni Auntie. “Baka nakakalimutan mong ako ang nagpapa-aral sayo.”

Napahinga naman ako ng malalim at gustong-gusto kong sabihin sa kanya na hindi na nya ako pinapaaral dahil full scholar na ako sa eskwelahan ko. Ngunit ayoko namang humantong sa puntong isusumbat nya sa akin ang pagtira ko sa bahay nya.

“Kung ako sayo, bilisan mo ng maglinis para makapag-aral ka na’t hindi yung magrereklamo ka pa. Bilisna mo na!” masungit na sabi nito’t umakyat na sa taas.

Wala na akong nagawa kaya niligpit ko na ang mga kalat sa sala’t nagspray na rin ako ng air freshner dahil alam kong mamayaman ang mga kaklase ni Hannah dahil galing sya sa isang pangmayaman na paaralan.

Pagkatapos ko doon ay bumalik na ako sa paglilinis ng mga kwarto. Hindi ko nalang siguro muna lilinisin ang kwarto ko para mabawasan ang gagawin ko dahil magluluto pa ako.

“Ako na ang maghahain ng meryenda. Kung tapos ka ng magluto, umakyat ka na dahil malapit na silang dumating.” utos sa akin ni Auntie habang inaayos na nya ang hapagkainan.

“Sige po, Auntie.” masaya kong sabi’t mabilis na hinubad ang apron saka patakbong tinungo ang maliit na kwarto ko dito.

Makalipas ang ilang minuto’y nakarinig na ako ng mga ingay mula sa labas at hindi ko maiwasan ang mainis dahil ngayon nalang ako makakapag-aral tapos ay hindi pa magiging mapayapa dahil sa mga ingay na likha ng mga kaklase ni Hannah.

Napabuntong hininga nalang ako’t kinuha ang earphones ko na isang kabiyak nalang ang gumagana. Bibili nalang ulit ako ng bagong earphones sa bangketa bukas pagkauwi ko galing eskwelahan.

Nang hindi ko kinaya ang ingay ay tahimik akong lumabas ng kwarto’t sa may likod dumaan upang makalabas ako ng bahay ng hindi ako agaw pansin sa sala kung saan sila naroroon.

Umupo ako sa may gutter sa labas at napangiti nalang ako nang dahil sa tahimik na paligid.

“Hay.. Salamat.” napangiti nalang ako sa sarili ko’t muli ko ng binuksan ang aking libro.

Nabasa ko nanaman na ang lessons na kasama sa coverage ng exam namin pero gusto ko ulit i-refresh sa utak ko ang mga pinag-aralan ko.

“I’m at my classmate’s house, mom.”

Nagulantang ang buong pag-iisip ko’t nabulabog ang matahimik kong paligid nang dahil sa boses ng lalaking ‘yon.

“Sleep over.. yes.. for a project that’s due the day after tomorrow.” sabi nya’t nakakunot noo lang akong nakatingin sa kanya.

Hindi nya naman ako makikita dito sa gilid kaya pwede ko syang tignan ng masama.

“I’ll come home early tomorrow. Yes, mom. I will. Goodnight. I love you.” malambing nyang pagpapaalam sa kanyang mommy.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mainggit sa kanya dahil buti pa sya’y buhay pa ang nanay nya’t nakakausap nya pa samantalang ako’y wala ng pagkakataon.

Nagulat ako’t halos hindi ako makagalaw ng makita kong lumingon sa akin ang lalaki’t nanliit ang kanyang mga mata.

“Who are you?” naghihinalang tanong nya sa akin.

Akmang lalapit na sya sa aking kinaroroonan ng mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo’t tinakbo na ang daan papasok sa bahay sa may likuran bago pa nya ako malapitan.

Nang makapasok ako sa aking kwarto’y pinakiramdaman ko ang aking dibdib na napakabilis ng tibok.

Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw kong nagpapakita sa mga kaklase ni Hannah. Siguro’y nanliliit ang pagkatao ko twing nakikita ko sila. I feel like I dont belong to their squad. Ni makausap sila ay ayoko rin.

Pinilit ko nalang ang sarili kong i-scan ang mga librong kailangan kong pag-aralan para sa pinakahuling exam namin bukas. Sa sembreak ay maghahanap talaga ako ng part-time job para pambaon ko sa susunod na semester. Hindi kasi kumakasya ang singkwentang binibigay ni Auntie sa akin dahil may mga proyekto pa kami’t mga ibang kailangan biglang bayaran kaya kailangan kong mag-ipon para pang-gastos sa mga kailangan ko sa eskwela at para na rin hindi lang ako sa bahay nagpapakapagod.

Nang matapos akong magreview ay natulog na ako’t maaga rin akong gumising upang makapagluto na ng umagahan ng mga bisita bago ako maghanda para pumasok sa eskwela.

Napatigil ako nang mapadaan ako sa sala’t nalaglag ang panga ko ng makita ko ang mga nakakalat na plastic ng chichirya, bote ng softdrinks at pati na rin ang mga ibang kalat na ginamit nila sa pag gawa ng proyekto kagabi.

Hindi man lang sila nahiya na hindi nila ito bahay para magkalat sila ng ganito.

Napahinga nalang ako ng malalim at tinali ang aking buhok saka nagsimulang linisin ang kalat sa sala.

Kaysa magluluto nalang ako ng umagahan ay maglilinis pa ako.

“Excuse me–”

“Ah!” napatili ako’t napaupo’t hinarap ang humawak sa aking balikat.

Napatitig lang ako sa kanya’t muling naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Pakiramdam ko’y aatakihin ako.

Hindi ko maipagkakailang maganda ang tindig nya’t napakaamo ng kanyang mukha ngunit ang hadlang lang ay ang kanyang mga mata’ng halos manginig ako sa kanyang tingin. Naglakbay ang paningin ko sa kanyang matangos na ilong at sa labi nyang mapula’t manipis. Halatang-halata ang pagiging anak mayaman nya.

“Oh! I’m sorry!” natataranta nyang sabi’t inilahad ang kanyang kamay sa akin. “Are you okay?”

Napatango nalang ako’t kaysa kunin ang kanyang kamay nya’y tinukod ko nalang ang kamay ko para maalalayan ang sarili ko sa pagtayo.

Nahihiya naman nyang kinamot ang kanyang batok gamit ang kamay na nilahad nya sa akin.

Hindi ko na sya pinansin at muling tumalikod saka bumalik nalang sa paglilinis ng mga kalat para matapos na ako. Medyo kunti nalang naman ‘to.

“Uhmm.. I-I’ll help you.” nag-aalangan nyang sabi saka bahagyang tumabi sa akin upang tulungan akong linisin ang aking kalat.

Mabilis ko naman syang nilingon at nakita kong seryosong-seryoso sya sa pagliligpit.

Huminga muna ako ng malalim bago napagdesisyunang kausapin sya. “Wag na.. Kaya ko naman.” pagpigil ko sa kanya. “Bisita ka dito.. Hindi ka nandito para maglinis.”

Lumingon naman sya sa akin at ngumiti na dahilan kung bakit parang tumigil ang pagtibok ng puso ko.

“Bisita nga kami dito pero kami naman ang nagkalat.” sabi nya. “Sorry kung hindi namin naligpit after we did out project. Sobrang pagod at antok na kasi kami kaya hindi na namin nalinis pa.” paghingi nya ng paumanhin.

“Ah.. Sige.” sabi ko nalang. “Salamat.” I uttered at muli nya akong binigyan ng isang ngiti.

Dahil tinulungan nya ako ay nabilis ang paglilinis ko dito sa sala.

“Magluluto na ako. Salamat ulit.” sabi ko nang matapon na namin ang supot na puro kalat sa basurahan sa may labas.

Tumalikod na ako para bumalik sa loob ng bahay nang bigla nya akong hawakan sa may braso upang mapigilan ako.

“Wait!” aniya.

Napalingon naman ako sa kanya’t binaba ko ang tingin ko sa aking braso’ng kanyang hawak kaya mabilis nyang tinanggal ang kanyang kamay doon.

“Bakit?” simpleng tanong ko sa kanya.

“Uhmm.. I just want to know your name.” sabi nya. “Ano bang pangalan mo?” he asked.

Bahagyang hindi gumana ang pagtakbo ng utak ko sa kanyang tanong. Bakit nya tinatanong ang pangalan ko? Bakit gusto nya akong makilala? Ibibigay ko ba?

“Hey.. Is your name too much to ask?..” problemado nyang sabi.

Mabilis naman akong umiling. “Eunice.” sabi ko. “Ako si Eunice.” pakilala ko sa sarili.

Napangiti naman sya. “Eunice..” he uttered my name. “I’m Eidriean John but you can call me EJ.” pakilala nya sabay lahad ng kanyang kamay.

Tinignan ko muli ang kanyang kamay na nakalahad at napansin kong nanginginig ito.

Ngumuso ako’t tinanggap ang kanyang kamay saka binigyan sya ng isang ngiti.

“Salamat ulit, Eidriean John.” ngiti ko bago binitawan ang kanyang kamay at mabilis na pumasok sa loob.

“You’re welcome!” sigaw nya bago pa ako tuluyang makapasok sa bahay.

Para akong tangang nakangiti habang nagluluto ng almusal sa hindi malaman na dahilan.

“Wag kang masyadong ngumiti, my pretty cousin. Balak mo bang magpacute sa mga kaklase ko if ever they see you?”

Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ng pinsan ko.

Kumuha sya ng baso’t tubig upang makainom bago nya ako hinarap ng tuluyan.

“Finish cooking. Malapit na silang bumaba. Gutom na kami.” sabi nya’t mabilis akong tinalikuran.

Napahinga nalang ako ng malalim at naghain na sa may hapag at nilagay ang mga ulam na niluto ko doon bago ako dumiretso sa banyo para maligo’t makapaghanda na sa eskwela.

“Eunice! See you next sem!” kaway sa akin ng mga ka-blockmates ko.

Kinawayan ko din sila at nakahinga na ng maluwag nang mapagtanto kong tapos na ang exam at sembreak na namin.

Hindi muna ako umuwi ng bahay at napagdesisyunan kong maghanap nalang muna ng part-time para pwede na akong makapagsimula bukas.

“Ma, Eunice is home.” sabi ni Hannah at tumayo sa sofa saka naglakad papunta sa taas ngunit bago sya tuluyang makaakyat ay nilingon nya muna ako. “Pagkatapos nyong mag-usap ni mama, pumunta ka sa kwarto ko.” sabi nya’t tuluyan ng umakyat sa taas.

Sakto namang lumabas si Auntie mula sa kusina’t nakasuot ng apron. “Napakatagal mong umuwi. Ako na ang nagluto ng hapunan. Saan ka ba nanggaling? Hanngang alas-dos lang ang klase mo ngayon ah?”

“Pasensya na po, Auntie.” paghingi ko ng paumanhin at nagmano kay Auntie. “Naghanap po kasi ako ng part-time job para kumita ngayong sembreak.”

“Puro ka part time job. Mabuti sana kung yung sahod mo’y dinadagdag sa pambayad sa mga gastusin dito sa bahay pero hindi. Pang sarili mo lang lahat ng kinikita mo.” sabi nya.

“Kailangan ko po ng pera, Auntie.. Graduating na po ako. Isang sem nalang po’t g-graduate na ako. Kailangan ko na po ng pera dahil maraming gastusin ang mga graduating.”  pag-eexplain ko.

“Hay nako. Bahala ka na.” sabi nalang ni Tita’t pumasok na ulit sa may kusina.

Napahinga naman ako ng malalim at mukhang ang pinsan ko naman ang kailangan kong harapin ngayon.

“Hannah?”

Dahan-dahan akong pumasok sa kanyang kwarto’t nakita ko kaagad ang pagtitig sa akin nito na nagpanginig ng tuhod ko.

“B-Bakit–”

“Paano ka nakilala ni Eidriean?” mapanuyang tanong nya sa akin.

“E-Eidriean?” nauutal kong pagbanggit sa pangalan ni Eidriean John.

“Wag ka ng magmaang-maangan pa, Eunice.” sabi nya. “Alam nya na ikaw ang nagluto ng almusal namin kanina. He even said na sabihin ko kay Eunice na ang sarap nyang magluto.” aniya’t pinagdiin-diinan pa ang pangalan ko.

Bahagyang hindi umaayos ang pagtakbo ng utak ko dahil sa sinabi ni Hannah’ng ang sabi daw ni Eidriean ay masarap akong magluto. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti.

“Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” masungit nyang tanong. “Answer my question! Paano ka nya nakilala?”

Huminga naman ako ng malalim bago sinagot ang kanyang katanungan. “Ano kasi, Hannah..”

Pinagtaasan nya ako ng kilay at humalukipkip sya.

“Naglilinis kasi ako sa sala kaninang umaga. Hindi ko naman alam na gising pala sya. Nakita nya akong naglilinis.. tinulungan nya akong maglinis ng mga kalat–”

“Wait!” pinatigil nya ako sa pagsasalita. “Tinulungan?” hindi makapaniwala nyang tanong. “Tinulungan ka nyang maglinis ng mga kalat? Did I heard you right, Eunice?”

Unti-unti at nag-aalangan naman akong tumango sa kanya.

Napahinga naman sya ng malalim na para bang pinapakalma nya ang sarili nya saka nya ako tinuro.

“Don’t you dare talk to him again. Wag na wag kang magkakamaling lumapit sa kanya. Naiintindihan mo ba?” mariin nyang sabi sa akin.

“O-Oo..” nauutal kong pagsagot.

“Now go.. magrereview pa ako.” sabi nya’t sabay balik upo sa kanyang kama.

Mabilis naman akong lumabas ng kanyang kwarto’t patakbo akong pumunta sa aking kwarto’t napahinga ng malalim.

“Eunice, ikaw naman daw sa may cashier. Ako na dito.” sabi ni Leah ang lagi kong nakakasama pagdating sa mga part time jobs.

“Ay sige.” masaya kong sabi’t ngiting-ngiti akong pumunta patungo sa may counter.

Twing nagpa-part time job ako sa mga fast food chains ay gustong-gusto ko na nasa cashier ako. Dahil kapag nasa counter ako’y nakakasalamuha ko ang ibang mga tao. Pakiramdam ko tuloy ay ang dami kong kaibigan.

“What do you want, Rick?” rinig kong tanong ng lalaking mag-oorder na.

Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya ng nakangiti. “Good morning, sir–”

Napahinto ako sa pagbati at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

“I want large fries, chicken nuggets and coke float, EJ.” sagot ng kasama nya matapos tumingin sa mga menu sa may taas.

Totoo ba ‘to? Si Eidriean John ba talaga ang nasa harapan ko?

Nakita ko namang napangiti sya sa akin. “Eunice!” pagbati nya sa akin. “You work here?”

“Uhmm.. part time job lang.” nahihiya kong sagot.

“Dude! You know this pretty girl?” singit naman nung lalaking kasama nya.

“Dont hit on her, Rick. Back off!” sagot ni Eidriean sa isang matigas na Ingles.

“Easy.” natatawa-tawang sabi nung Rick.

“Anyways, Eunice–”

“Uhm, what’s your order, Sir?” pormal na tanong ko sa kanya sabay ngiti.

Muntik ko ng makalimutan ang sabi ni Hannah na dapat ay hindi ko na kinakausap si Eidriean.

Napakunot naman ang kanyang noon sa akin. “What?”

“Uhm.. marami pa pong nakapila. Kailangan ko na pong mabigay ang order nyo.” sabi ko.

Nakita ko namang sabay pa silang napalingon sa likuran ng kaibigan nya. “Uhm.. yeah.” sabi nalang nya. “I’ll get two large fries, chicken nuggets and coke float.”

“Okay, sir.” sabi ko nalang at mabilis ng kinuha ang mga order nya. “Thank you, sir.” ngiti ko.

“You’re welcome and.. thank you din.” sabi nya bago tumalikod dala-dala ang tray kung nasaan ang order nila.

Napahinga naman ako ng maluwag at ngumiti nalang para mapakalma ang sarili ko’t bumalik sa normal na takbo ng trabaho ko.

Nang matapos ko ang 5 hours na shift ko para sa part time job dito ay mabilis na akong nag-ayos ng gamit para makauwi na dahil paniguradong marami nanaman akong naipon na gawain sa bahay.

“Eunice!”

Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko si Eidriean na lumabas galing sa isang mamahaling kotse.

“Eidriean.” pagbabanggit ko ng kanyang pangalan.

“Uuwi ka na?” tanong nya sa akin.

“Ah.. oo eh.” sagot ko.

“Want me to accompany you?” nakangiting tanong nya sa akin. “Kila Hannah ka nakatira diba? Doon din naman ang daan ko pauwi eh.”

“Uhmm.. kaya ko naman ang sarili ko eh.” sabi ko.

“Pero nandito naman ako and makakatipid ka pa kapag hinatid kita sa inyo.” pagpilit nya sa akin. “Please?” and he gave a sincere smile.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi’t hindi naman siguro malalaman ni Hannah na hinatid ako ni Eidriean. Bibilisan ko nalang ang pagbaba sa kanyang kotse.

“Uhmm.. Eidriean, wag na sanang makarating pa kay Hannah na hinatid mo ako. Baka magalit sya eh.” sabi ko.

“Ganon ba?” tanong nyang parang nag-iisip pa. “Okay din. I’ll keep our thing a secret.” sabay ngiti nya sa akin.

Napangiti nalang din ako at pagkarating sa bahay ay mabilis akong nagpasalamat kay Eidriean para makababa na ako agad.

Araw-araw ay ganyan ang ginagawa namin ni Eidriean. Lagi na nya akong hinahatid pauwi. Minsan nga’y kumakain muna kami bago nya ako ihatid. Mabuti nalang at hindi ako sagabal sa schedule nya lalo na ng magsembreak na rin sila.

“Uhm.. Eunice.” he called my name.

“Gusto sana kitang ayaing lumabas bukas.” sabi nya. “You know.. for a better view with you. Para maiba naman ang mga pinupuntahan natin. Hindi yung puro Mcdo-bahay nyo lang.”

“Uh.. may trabaho pa ako dito eh.” sabi ko.

“Then after your work here. I’ll fetch you. Punta tayo sa mall. You dont have to pay any single cent. My treat.” nakangiti nyang sabi.

“Pano yan? Alam mo namang Cinderella na ako pagdating sa bahay. Marami akong kailangang gawin doon.” sabi ko.

“A single day break wont hurt, right?” umaasa nyang sabi. “Please, Eunice?”

Hindi ko alam kung anong meron sa ‘please’ ni Eidriean pero twing nag-p-please sya sa akin ay lagi nya nalang akong napapapayag.

“Sige na nga.” sabi ko nalang.

“Yes!” masaya nyang sabi’t lumipat sa upuang katabi ko upang mayakap nya.

Kinabukasan ay gaya nga ng napagplanuhan ay pumunta kami sa Megamall.

Nanood kami ng sine, naglaro sa arcade, kumain sa isang mamahaling restaurant, sinamahan ko syang mamili ng kanyang damit at binili nya ako ng isang dress kahit na ayoko pero nagpupumilit sya.

I never felt this way before. Ngayon lang ako nakaramdam ng saya at ngayon lang din ako naging komportable ng ganito sa isang tao. Kahit maging kay Auntie at Hannah ay hindi ako naging komportable ng ganito.

“Parang ayoko na tuloy kitang iuwi sa inyo.” biro nyang sabi ng mag-aya na akong umuwi nang makita ko ang isang damakmak na missed calls sa akin ni Auntie.

“Para kang sira, EJ.” tatawa-tawa kong sabi.

“Well.. let’s just do it again this time.” sabi nya’t inilahad ang kanyang kamay sa akin harapan. “Let’s go?” aya nya sa akin.

Ngumiti naman ako’t ibinigay sa kanya ang kamay ko na mahigpit nyang hinawakan saka hinalikan ng marahan ang likod ng aking palad.

“I really like you, Eunice..” he sincerely said at parang na-estatwa ako sa aking kinatatayuan.

“H-Ha?” nauutal at hindi makapaniwala kong tanong.

“The moment I saw you.. Nung gabi. Nung nakaupo ka sa gutter.. Naramdaman kong gusto kita kaagad makilala. And then the next day, nung naglilinis ka.. when I saw you on broad daylight, I felt something that I never felt before.. Nung nakita naman kita sa Mcdo at nalaman kong nagt-trabaho ka dun, parang gusto kong doon nalang kumain araw-araw para lang makita ka’t maihatid ka pauwi which I did. At hindi ako nagsisisi dahil naging ganito na tayo ngayon.” kwento nya. “We became close and I got to confess my feelings for you. I like you and I’m beginning to love you, Eunice. C-Can.. Can I court you?”

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi sa akin at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.

“M-Magagalit si Hannah sa akin, EJ..” problemado kong sabi.

“Hindi natin ipapaalam kay Hannah.. we will keep this as a secret. Please.. just let me court you.” aniya. “I’ll make sure that I’ll make you happy. I’ll be your family, Eunice..”

Hinawakan nya rin ang aking kabilang kamay at awtomatiko akong napa-angat ng tingin sa kanyang namumungay na mga mata.

Minsan ko lang maramdaman ang ganitong kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Alam kong posibleng masira lalo ang sira ng relasyon ko kay Auntie at Hannah pero kailangan ko ngayon ng taong mapanghahawakan at ng taong magpapasaya sa akin.

Kung meron man akong susuwayin sa mga gusto nila ay ito na sigurong pagpayag sa pagpasok ni Eidriean sa buhay ko.

I’ll take the risk. I’ll let him in my life.

Unti-unti naman akong ngumiti at tumango sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata’t hindi nya mapigilan ang pagsilay ng kanyang ngiti.

“So.. is that a yes?” paninigurado nya.

“Yes.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s