ABOOKWITHBEA EXCLUSIVE: Pagtingin [FILIPINO POEM]

typorama(3)

I

Ang iyong pag-ibig ay sapat na yaman,

Walang hahanapin,hindi magkukulang,

Pag-ibig mong lukso sa dibdib ko’t laman

Ay iingatan ka habang ako’y buhay.

II

Ikaw lamang itong pakamamahalin,

Mga mata ko’y sa iyo lang ititingin,

Pag-ibig ko sayo’y walang katapusan

Ang Pag-big ko’y hindi matutumbasan.

III

Ang saya at ngiti nitong mga labi,

Ay wangis ng tala sa dilim ng gabi

Mag-aalis ngayon sa lalong madali

Ng luha at pait na ibig maghari.

IV

Aabutin ko ang langit para sayo,

Makamit ko lang ang matamis mong oo

Maging langit at lupa’y tatahakin ko

O sinta, pagbigyan muna ang hiling ko.

V

Hindi papayag na bigla kang mawala,

Sapagkat ang puso ay dugtong na kusa,

Ang hinga at pintig nitong kaluluwa

Hanggang sa huli ikaw lang aking sinta

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s